Regu A pinatahimik ni Subing-subing

CEBU CITY- Pinatahimik ng Regu B ang naghihikahos na Regu A sa pangunguna ni Roy D. Subing-Subing gamit ang kanyang ulo bilang panangga at atake sa kaniyang eksibisyong laro ng Sepak Takraw best-of-three, 3-1 (21-16, 18-21, 21-16), na sumiklab sa korte ng Albino D. Gothong Administration Hall, kanina sa araw ng Regional School Press Conference ng ika – 11 ng Disyembre bandang alas otso emedya ng umaga.

Nagkukumahog sa simula ng unang set ang Regu B, 6-2 na bintahe, pero biglang bumulusok ang kapitan ng koponan na si Roy D. Subing-subing upang galamayin ang grupo at gawing tabla ang iskor sa, 8-8. Humarurot at hindi na nagpasupil pa ang Regu B tuluyan na nilang kinobra ang unang set sa iskor na, 21-26.

            Hindi pumayag ang Regu A na masara kaagad ang pintuan ng laro, napansin nilang hindi pa masyadong hinog sa laro si Jeffrey Dazo Jr. ng Regu B kaya doon nila sinalpak ang lahat ng bola, kasahog din ang rolling spike ni Harold Batuigas at matitinding block ni Eduardo Intud, nagawa nilang manalo sa pangalawang set ng laro, 18-21.

            Hindi pumayag ang dalawang koponan na magpahinga matapos ang makapigil hiningang sagupaan. Gusto nilang tapusin kaagad ang laban na tila haling ang mga bituka na malaman ang resulta kung sino nga ba sa kanila ang tunay na magaling.

            Nagkaroon ng huling set para madesisyonan ang laro nagpalitan ng iskor ang bawat koponan pero mas namayagpag ang Regu B nang dominahin ni Subing-subing ang laro. Gamit ang kanyang ulo bilang panangga at mabibilis na sipa una nilang nakupo ang 20 set point at tuluyang natapos ang laro sa service error ni Intud.

            “Naa mi cooperation ug teamwork.” sambat ni Roy D. Subing-subing, ang kapitan ni Regu B. “Pero magpractice pa mi ug pamaayo aron mas mo maayo mi.” dagdag pa nito.

            Umuwing may mga ngiti sa labi ang Regu B dahil sa kanilang pagkapanalo sa matinding sagupaan.

Mga Komento

Kilalang Mga Post