Batuigas, sinalaysay ang dahilan ng pagkatalo

Nasa balag ng alinlangan at hindi makapaniwala sa resulta ng paligsahan si Harold Batuigas na hindi nila naikasa ang panalo laban sa Regu B, sa kanilang eksibisyong laro ng Sepak Takraw (two out of three win) 21-16, 18-21, 21-16, na ginanap sa Albino D. Gothong Administration Hall ng ika-11 ng Disyembre.

“Di ko ganahan sa among duwa karon kay walay teamwork, cooperation ug walay energy.” ani ni Harold Batuigas, 16 na taong gulang ng Regu A.

“Magpraktis lang mi sa sunod aron makadaog mi” dagdag pa nito.
                Samantala, hindi nalang kumibo ang kanyang mga kagrupo sa naging resulta dahil nakita nila na mahusay naman silang naglaro.

                Mas ikinalungkot ito ni Harold Batuigas na hindi pa nila naperpekto ang kanilang mga estratihiya at hindi pa nila lubos na naipapatibay ang kanilang relasyon sa isa’t isa bilang grupo.


                “Ayaw mo kaguol nga napildi mo. Ang importante kay ang displina ug ang experience sa duwa.” bulalas ni Mrs. Charisse Archival, coach ng Regu A.

Mga Komento

Kilalang Mga Post