Kaso ng dengue sa Cebu, bumaba
Malaki ang pagbaba ng kaso ng dengue dito sa Cebu City
mula sa pagtatala noong 2010 hanggang sa kasalukuyan.
Tinatayang nasa mahigit 600 na kaso ng dengue ang
naitala nooong 2016 kumpara noong 2010 kung saan nasa 500 katao ang na ospital
kada buwan sa Vicente Memorial Medical Center dahil sa sakit na dengue.
Base sa pagtatala noong 2012, nasa 120 00 ang kaso ng
dengue dito sa Pilipinas. Umabot naman sa 19 104 ang kaso dito sa Rehiyon 7 sa
Central Visayas, at 89 katao ang namatay.
Nasa 21 katao naman ang namatay at nasa 5 698 katao
ang nagkaroon ng kaso ng dengue dito sa Cebu City.
Ang aedes egypti mosquito ang tawag sa mga lamok na
nagdadala ng sakit na dengue o tatawaging “dengue epidemia”.
Ayon sa panayam kay Dr. Jaime S. Bernades, DOH ng
Region 7, ang mga sintomas na lagnat, panghihilo, pagsusuka, ay palatandaan na
ang isang tao ay nabiktima na nang lumalaganap na dengue.
“Aabot hanggang 3-7 days ang lagnat at iba pang
sintoma ng dengue ang mararanasan ng taong nabiktima ng aedes egypti mosquito.
Lalala ang kondisyon kung hindi agad ito naaksyunan,” dagdag niya.
Subalit, ayon kay Bernardo Son, Nurse II Cebu City
Division, ang paglilinis sa mga maruruming tambakan ng tubig ang dapat gawin
para sugpuin ang mga lamok.
Nagpaabot siya ng mensaheng nagtuturo sa mga kabataan
at mga guro kung paano mas lalong maiwasan ang pagkakaroon ng dengue at kung
paano malunasan ito.
“You have to combat the mosquitoes at its very
vulnerable stage. You have to destroy their places where they live while they
are still wrigglers”, sambit niya.
Pero hindi niya naipaalam kung ano ang eksaktong
bilang ng kaso ng dengue ngayong 2017 dahil ang Department of Heath aniya ang
may hawak sa impormasyon.
Sa kasalukuyan, pinatupad naman ng Department of
Education ang proyektong “Anti-Most o Anti-Mosquito” sa bawat paaralan para
masiguradong ligtas ang mga estudyante sa pagkakaroon ng sakit na dengue.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento