Pag-asa ng Bayan; Nalagagay sa Alanganin

“Ang paaralan ang ating pangalawang tahanan.” Ito ang sabi ng karamihan, na ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan natin, dito natin matututunan ang mga bagay na hindi itinuturo sa ating mga bahay, dito nahahasa ang mga natural nating talento at kakayanan. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mabigyan ito ng magandang kinabukusan, hindi upang masaktan at magrebelde.

Sa mga nababalitang pangyayari sa mga paaralan ngayon, masisiguro ba nating mapagkakatiwalaan ang mga bagay na nakikita at nangyayari sa loob ng paaralan?

Kadalasang laman ng balita sa mga telebisyon ngayon ay mga kasong o mga krimeng nangyayari sa loob ng paaralan. Mga kasong nararapat pagtuonang pansin ng karamihan. Ang pinakatanyag dito ay ang pagtaas ng kaso ng bullying, ito ay pang-aapi ng isang mag-aaral sa kanyang kapwa mag-aaral, pagiging dominante at kadalasang ginagawa ng mga ito ay ang pangunguha ng baon ng iba o di kaya’y pang-gugulpi sa kapwa nila kapag hindi binigyan ng sagot sa pagsusulit. Matindi ang epekto nito sa batang naaapi, maaaring maging matatakutin o maging mahiyain ang bata, hindi na nakikipaghalubilo at natatakot nang pumasok sa paaralan. Maaari rin itong magdulot ng matinding depresyon sa mga bata at alam nating lahat na ito ay nakakabahala. Sa tingin niyo, ganito baa ng gusto ng mga magulang na mangyari sa kanilang mga anak, diba hindi?

Nilagay ng magulang ang kanilang mga anak sa paaralan hindi lang upang maging matalino at mahasa ang kakayahan, kundi pati narin matuto ng mga tamang gawain at magagandang-asal.


Kapag nagpatuloy ang ganitong krimen sa loob ng paaralan, sa tingin niyo mapagkakatiwalaan pa ba ng mga eskwelahan? Masisira ang reputasyon ng mga paaralan at ang ahensya nito. Kinakailangan nating pagtuunan ng pansin ang mga krimeng katulad ng bullying sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan ng mga mag-aaral at pati narin ng ating bayan.

Mga Komento

Kilalang Mga Post