Nakakabulag na Kinabukasan
Sa pag-usbong ng mga
makabagong teknolohiya, mas pinaangat na bersyon ng teknolohiya kasama rito ang
pagkabuhay ng social media, bilyon-bilyon
na ang nahuhumaling sa kung ano ang nakikita at nadidinig natin dito. Ginagamit
ang social media dahil maaaring makatulong
ito sa ating pang-araw-araw na gawain, mga pangangailangan at mga gusto nating
makuha sa buhay. Walang pili sa edad, propesyon o di kaya’y katayuan sa buhay
ang maaaring gumamit ng social media.
Kahit nga mga musmos pa lamang ay maalam na sa pasikot-sikot at pagmamanipula
sa mga ganitong bagay, mas marunong pa ang mga batang gumamit ng mga cellphones at kompyuter kaysa sa mga
matatanda. Mas gusto pa nilang hawakan ang kung anong gadyet, kesa lumabas at
maglaro sa ilalim ng sikat ng araw. Isa na itong malaking pagbabago sa
henerasyon ngayon. Makakakita ka nalang ng mga lola na naka-headset sa daan, mga guro ay laptop at tv na ang ginagamit imbes na maghanda ng mga charts, at karamihan sa kabataan ngayon ay nilamon na ng iba’t-ibang
social networking sites, hindi
natatapos ang araw kapag hindi nakapag-update
ng status sa kani-kanilang accounts.
Sa mga pagbabagong ating
nararanasan ngayon dahil sa social media,
ano sa tingin niyong epekto nito sa ating buhay? Anong meron sa social media at malaking bahagi na ng
ating mga buhay at pagkatao ang sinakop nito?
Kinahuhumalingan ngayon ng
karamihan ang iba’t-ibang social
networking sites na matatagpuan natin sa internet, ilang na rito ang Twitter,
Yahoo, Instagram at Facebook. Maaari tayong makakuha ng mga impormasyong
panlipunan at pandaigdig sa mga social
networking sites o di kaya’y magbahagi ng mga pang-araw-araw na pangyayari
sa ating buhay. Dito rin natin matatagpuan ang mga trending o uso na mga bagay o gawi na hindi natin dapat makaligtaan
at hindi dapat tayo magpahuli.
Mapapadali ang pagkalap ng
mga impormasyon at hindi na kailangan pang bumili ng dyaryo para lang may alam
sa mga balitang panlipunan. Ngunit hindi lahat ng impormasyong nakukuha natin
galing sa social media ay totoo. At
hindi sa lahat ng pagkakataon nakakabuti sa’tin ito.
Laganap na sa kasalukuyan ang
pagkalat ng fake news o mga pekeng
balita sa social media, mga balitang
pinaniniwalaan naman agad ng mga tao porket nanggaling ito sa social media. Diyan tayo nagkakamali,
hindi lahat ng ating nakikita at nababasa sa social media ay totoo, hindi lahat
ng impormasyon ay mapagkakatiwalaan at ang responsable sa mga balitang ito ay
ang mga taong walang magawa sa kanilang buhay. Ang mga ganitong balita ay
nagdudulot ng kalituhan sa nakararami, kaya dapat nating kilatising mabuti ang
mga impormasyong nanggagaling sa social
media.
Isa pang laganap ngayon sa social media ay ang cyber-crime, isa dito ay ang pornograpiya. Karamihan sa atin ngayon
ay ginagamit ang social media upang magbenta ng katawan dulot narin ng
kahirapan. Ang ilan pa nga ay ang mga magulang pa nga ang naghihikayat sa mga
anak para gumawa nito. At sa tingin niyo ba nakakabuti ito sa ating reputasyon
at pagkatao? Hindi.
Sa tingin niyo ang mga
pagbabago ngayong nagaganap sa ating mundo ng dagil sa teknolohiya ay
nakakabuti sa ating mga tao? Maaaring oo, maaaring hindi, Walang kasiguradohan.
Maaaring ito ang maging dahilan upang mabulag tayo sa mga katotohanang maaaring
ipagkait sa atin at maaaring magdulot ng malabong kinabukasan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento