Empowering Asean Integration: Tungo sa Pagbabago
Isang
makahulugang mensahe ang ipinabatid ni Dr. Bianito A. Dagatan, SDS Cebu City
Division, sa kanyang talumpati kaninang umaga sa Albino D. Gothong
Administration Hall na dinaluhan ng mga kalahok sa Collaborative Desktop
Publishing mula sa ibat’ibang dibisyon sa Rehiyon 7.
Ipinaliwanag
niya sa mga kalahok ang Republic Act 7079 o ang Campus Journalism Act na
naglalayong mapabuti ang kasanayan sa pamamahayag at maitaguyod ang responsable
at malayang pamamahayag.
Binigyang
diin din niya ang pagtaguyod sa malayang edukasyon kung saan walang pinipiling
mayaman at mahirap, bata o matanda, pangit o maganda, basta lahat ng tao ang
may karapatan sa edukasyon.
Mas lalong
binigyang diin ni Dr. Dagatan sa kanyang mensahe ang gampanin ng isang
mamamahayag sa pagpapalakas sa integrasyon ng ASEAN.
“Embracing
ASEAN Integration is the proof that we have to embrace the development. We have
to deal with many people not only in the Philippines but outside the
Philippines,” sambit niya.
“As journalist you have to persuade others through
your write-ups, commentaries, pictures and articles”.
Ipinaliwanag din niya na mahalaga ang komunikasyon.
Kailangan malaman ng isang mamamahayag ang iba’t ibang kultura at gawi ng isang
lugar. Sa ganitong paraan, mapalalakas aniya ang integrasyon ng ASEAN.
“We need to move forward, to embrace the change and it
will show to the world that the Campus Journalist in the Philippines are sooner
or later are the best professional journalists in the Philippine archipelago”,
dagdag niya.
Ito ang kanyang huling binitawang mensahe na nagbigay
inspirasyon sa mga kalahok.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento