Kalusugan, hindi sigurado sa bakuna
Ang Pilipinas ang pinakaunang
bansa sa Asya na pinayagang ibenta ang pinakaunang bakuna laban sa dengue. Ang
bakunang ito ay tinatawag na Dengvaxia, gawa ng French pharmaceutical giant na Sanofi, inaasahan
ito na maging solusyon sa tumataas na mga kaso ng dengue sa ating bansa at
maiwasan ang milyon-milyong namamatay dahil sa dengue.
Sinimulang ipamahagi ang Dengvaxia sa Pilipinas
noong Abril ngayong taon, ngunit pinatigil na ngayon ang pagbabahagi ng gamot
na ito dahil hindi pa sigurado kung ito nga ba ay garantisadong malalabanan ang
mga lamok na nagdudulot ng dengue. Kaya sinuspende muna ang pagbabahagi ng
bakunang ito at suportado naman ito ng World Health Organization (WHO) dahil
inamin din naman ng lumikha nito, ang Sanofi Pasteur, na epektibo lamang ang
bakuna sa mga dating nagkaroon ng dengue.
Kahit na bumaba ang kaso ng dengue sa Pilipinas
dahil sa pagbabahagi ng bakuna na Dengvaxia, hindi dapat tayo makampante
sapagkat maaaring malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga mamamayan.
Kaugnay nito ay ino-obserbahan na ng Department
of Health ang mga batang naturukan ng bakuna kung meron ba itong nararamdamang
kakaiba simula nung binakunahan ng Dengvaxia. Maaaring may mga side effects ang
bakunang ito kaya hindi na muna ipinagpatuloy ang pagbabahagi nito. Nababahala
ang mga magulang ng mga batang binakunahan ng Dengvaxia dahil baka ito ay
magdulot ng ibang sakit sa katawan ng kanilang mga anak.
Kapag hindi pa nagkaaroon ng sapat na ebidensiya
na ito’y epektibo talaga at walang mga side effects na maaaring sumira sa ibang
bahagi ng katawan, hindi na dapat ito ibahagi sa mga mamamayan dahil mananagot
talaga ang gobyerno dito, lalo na ang Department of Health.
Sa ngayon humahanap ng paraan ang buong bansa
lalo na ang ahensiya ng Department of Health at ang lumikha ng Dengvaxia, ang
Sanofi Pasteur, upang mapatunayan na ang bakunang ito ay epektibo para sa
pagsugpo ng mga kaso ng dengue.
Wala pa talagang siguradong bakuna upang
maiwasan ang mga lamok na nagdadala ng dengue, hindi dapat tayo nakadepende sa
mga ganitong gamot. Upang maprotektahan natin ang ating mga sarili, ang buong
bansa at ang bawat mamamayan panatilihin ang kalinisan sa buong kapaligiran.
Maging mapagmatyag sa kapaligiran upang mga sakit ay maiwasan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento