Pagsilang ng Bagong kabuhayan at pag-asa
Pagsilang ng makabagong
teknolohiya. Pagatatayuan ng mga iba’t-ibang nagsisitaasang gusai. Pagtingala
ng iba’t-ibang oportunidad. Nagsisimula na ang porsyento sa kabuuan ng hugis ng
pagbabago. Nagsisimula na ang pag-igting ng panibagong pag-asa. Ang pag-asa na
maghahatid ng pagbabago sa buong dimension ng mundo.
Isa sa hudyat ng pagbabago ng bansa
ay ang paglagablab ng pagsilang ng gusali na itinirik sa South Road Properties
ng Cebu City – ang SM Seaside na may 470 486.37 sq. m.tinirik sa South Road
Properties ng Cebu City – ang SM Seaside na may 470 486.37 sq. m.tinirik sa
South Road Properties ng Cebu City – ang SM Seaside na may 470 486.37 sq.
m.tinirik sa South Road Properties ng Cebu City – ang SM Seaside na may 470
486.37 sq. m.tinirik sa South Road Properties ng Cebu City – ang SM Seaside na
may 470 486.37 sq. m. sa kabuuan. Sa loob nito ay ang iba’t-ibang magagandang
atraksyon para sa lahat. Tinagurian itong ikatlo sa pinakamalaking shopping
malls sa bansa.
Sampung natatanging dahilan para sa magliwaliw sa loo ng SM
Seaside Cebu
CUBE
Ito ay makikita sa labas ng gusali na may 21 metro na sukat.
Ang cube ay sumisimbuo ng katatagan at katiwasayan.
SKYPARK
Ang atraksyon na ito ay nagtataglay ng kalmadong atraksyon
na bumibighani sa mata ng mga manlalakbay. Ito ay may 1500-seaten sky hall para
humawak ng malaking kapasidad ng tao. Dito din sa epasyong ito nangyayari ang
concerts ng iba’t-ibang maimpluwensiyang tao. Dito rin inilalabas ng mga bata
ang kanilang saya sa kanilang children’s playground.
SEASLIDE TOWER
Ito ay may 148 metros na taas na may kita ang magandang
tanawin sa labas. Sa loob nito ay ang kanilang bar na at restaurant na
naghahandog sa mga panauhin ng mga nakakatakam na putahe at mga inumin. Ang seaside
tower sa baba ay naghahatid ng aliw sa mga mata ng mga tao sa angkin nitong
magandang tanawin mula sa taas.
ICE SKATING RINK
Para sa mga mahihilig
sa paglalaro at pagsasayaw sa yelo, meron din itong ice skating rink. Dito rin
mismo ay ang 76-lane bowling at amusement center. Meron din itong tatlong KTV
rooms at billiard area. Dito sa lugar na ito maaaring ibuhos ang lahat ng aliw
na hinahanap ng isang tao.
CYBERZONE
Para sa mahihilig sa mga makabagong kagamitan, sa Cyberzone
makikita ang nagsisilabasang makabagong gadgets. Sa lugar na ito nangunguna ang
mga high tech na kagamitang likha ng teknolohiya.
CHAPEL
Ang chapel ng San Pedro Calungsod ang pinakaunang istruktura
na nabuo sa loob ng gusali. Ito ang patunay na hindi nakakalimot ang mga
Pilipino sa pagpapasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap.
THE CINEMAS
Para sa mahihilig manuod ng mga pelikula, ang lugar na ito
ay patok sa kanila na may dalawang Director’s Club at may 350 seat large
screen. Ito ang isa sa mga pasyalan ng mga pamilya para magliwaliw at kalimutan
ang mga problema.
FOODCOURT
Ito ay nasa ikatlong palapag na may magandang tanawin ng
Seaside Tower. Ang food court ang sagot sa kumukulong tiyan ng mga mamimili.
CEBU OCEAN PARK
Para sa mahihilig mamasyal, ang Cebu Ocean Park ang sagot sa
hanap nilang lugar. Sa isang ektaryang pasyalan nito, tiyak masusulit ang
kanilang mata sa patuklas ng nakakaibang aliw. Ang Cebu Ocean Park ay may
naiibang kaanyuan sa buong VisMin Region na may 360-degree tunnel aquarium, sea
lions, exotic bird of paradise show at Penguin Park.
NATATANGING OPORTUNIDAD
Ang pagbubukas ng SM Seaside ay
pagbubukas din ng oportunidad ng mga indibidwal na naghahanap ng trabaho. Hindi
lang nito matutulungan ang mga tao kundi pati na rin ang ekonomiya ng syudad.
Ang bandera ng SM Seaside ay siya ring nagpapataas ng pangalan ng Cebu sa mapa
ng Pilipinas.
NAGHAHATID NG PAG-ASA
Nakikita sa pagsilang ng iba’t
ibang istruktura ang pagsilang ng bagong pag-asa. Ang pagsusumikap ng isang
indibidwal ay siya ring naghahatid ng oportunidad sa bawat isa. Inspirasyon sa
buong mundo ang tagumpay ng isang tao at ang pagbabahagi nito ay pagbubukas ng
bagong kabuhayan. Salamat sa nagpaunlad ng SM City Malls at mga nagbukas ng
pag-asa at oportunidad na SM Seaside Cebu para sa pagsisimula ng kabuhayan sa
lungsod.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento