Pagtaas ng Presyo, Bagsak mga Pilipino

Hindi lamang ang mga batas-manggagawa at ang mga senado ang nagdedebate ngayon tungkol sa pagpapatupad ng batas na naglalayong magpatong ng buwis sa mga inuming matatamis, kagaya ng “softdrinks”, “juice”, “energy drinks” at iba pa, nakikisali rin ang buong mamamayan ng bansa sa panlipunang diskusyon na ito. Makatwiran nga ba na ipatupad ang batas na ito? Ano ang magiging epekto nito sa sector ng ekonomiya ng bansa at sa bawat mamamayan ng Pilipinas?

            Ang House Bill 292 o and Sugar Sweetened Beverage Tax ay ang iminungkahing batas nina Representative Horacio Suansing Jr. ng ikalawang distrito sa Sultan Kudarat at Estrelita Suansing ng unang distrito sa Nueva Ecija. Ang batas na ito ay naglalayong magdagdag ng sampung piso sa bawat inuming matamis sa mga tindahan, ang dating limang pisong kape ay magiging walong piso, ang softdrinks na P15 ay tataas sa P25 at ang juice na dati ay P20 lang ay magiging P30 na. Pagtataguyod ng kahalagahan ng kalusugan sa buong bansa at upang masolusyonan ang mababang kita ng ekonomiya ang pangunahing layunin ng pagpapatupad ng batas na ito. Maaari rin itong makapagtayo ng mga imprastraktura na maaaring manghikayat ng mga banyagang mamumuhunan sa ating bansa. Ngunit ganito rin ba ang tingin ng mga mamamayang nagmamay-ari ng mga tindahan na epekto nito?

            Ayon kay Victoria “Nanay Vicky” Aguinaldo, ang president ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO), isang hindi pang-gobyernong organisasyon, na ang pangkaraniwang tindahan ay kumikita ng higit isang libo araw-araw at tatlumpo hanggang apatnapung bahagdan nito ay galling sa mga softdrinks, juice, 3 in 1 coffees at iba pang matatamis na inumin, ibig sabihin na halos kalahati ng kita ay galling sa mga ito. Ipinapahiwatig nito na kapag tataas ang presyo ng mga inuming matatamis, bababa ang kita ng mga pangkaraniwang tindahan dahil ang pagtaas ng presyo ay hindi nanghihikayat sa mga tao na bumili, at kapag nangyari ito apektado ang paglago ng ekonomiya n gating bansa.

            Maraming tumuligsa sa pagpapalaganap ng batas na ito, sapagkat hindi naman lahat ng tao ay may sapat na kita na kayang bayaran ang nadagdag na presyo sa mga piling bilihin. Sabi ng karamihan ng mga tidera ng sari-saring tindahan, “anti-poor” ang ipinapalabas ng batas na ito. Lumalabas na ang mga may kaya lamang sa buhay ang makakabili nito. Ang punto, ang Pilipinas ay hindi isang mayamang bansa, mas lamang ang mahihirap na naninirahan dito. Kapag pinataas pa ang presyo ng mga matatamis na inumin, mas lalong maghihirap ang mamamayan at ang ating bansa.


            Kapag ipinatupad ang batas na ito, malaki ang magiging epekto nito mula sa mga prodyuser at maging sa buong bansa. Kapag tataas ang presyo ng mga matatamis na inumin, bababa ang demand nito sa mga prodyuser at sa mga pangkaraniwang tindahan, ibig sabihin maaaring maalanganin ang pang-ekonomiyang kita ng ating bansa. At walang may gustong mangyari na malugmok sa kahirapan ang Pilipinas.

Mga Komento

Kilalang Mga Post